Pondo Funding

Ang ECDF ay may makukuhang $4.2 milyon kada taon para sa mga proyekto ng komunidad. Ang mga ito ay angkop sa mga maistratehiyang prayoridad ng Ministri upang suportahan ang mga etnikong komunidad, palaguin ang kanilang mga kasanayan, ipagdiwang ang kultura, at makilahok sa lipunan.

Ang Ethnic Communities Development Fund

Sino ang maaaring mag-aplay?

Maaaring mag-aplay ang alinmang grupo kung ang inyong proyekto ay susuporta sa mga etnikong komunidad sa New Zealand.

Maaari kang mag-aplay sa anumang oras (walang petsa ng pagsasara). Layon naming tumugon sa iyo sa loob ng 12 linggo. Mag-aplay nang maaga para sa inyong kaganapan o proyekto.

Magkano ang maaari mong aplayan

Ang mga grupong may ligal na katayuan (kabilang ang mga trust at incorporated society) ay maaaring mag-aplay para sa mga kaloob (grant) na mahigit $10,000.

Ang mga grupong walang ligal na katayuan ay maaaring mag-aplay para sa mga kaloob na nasa ilalim ng $10,000.

Alamin ang higit pa tungkol sa mga kahingian

Panoorin ang video na ito kung paano ang pag-aplay para sa pondo.

 

Pag-aplay para sa pondo

Dapat suportahan ng iyong proyekto ang layunin at ang isa sa apat na prayoridad ng pondo. Ang mga prayoridad ay kapareho sa mga prayoridad ng Ministri.

Kailangan mong punan ang application form. Ito ay dapat isumite sa wikang Ingles.

Mag-aplay na ngayon

Alamin ang higit pa tungkol sa ECDF

Last modified: