Ang pakikialam ng dayuhan ay nakakapinsala sa mga karapatan at kalayaan ng mga tao sa New Zealand Foreign interference harms the rights and freedoms of people in New Zealand

Ang pakikialam ng dayuhan ay kapag ang mga dayuhang estado ay nagtatangkang makialam sa New Zealand sa pagkamit ng sarili nitong mga mithiin. Paano nangyayari ang pakikialam ng dayuhan sa mga Etnikong Komunidad?

Inilalarawan ng New Zealand Security Intelligence Service (NZSIS) ang pakikialam ng dayuhan (foreign interference) bilang pagkilos ng isang dayuhang estado, kadalasan ay kumikilos gamit ang isang proxy, na naglalayong impluwensyahan, putulin o wasakin ang mga pambansang interes ng New Zealand sa pamamagitan ng mga paraang mapanlinlang, may katiwalian o mapamilit. Ang normal na diplomatikong aktibidad, pag-lobby at iba pang pagsisikap na tunay at lantaran para makaimpluwensya ay hindi itinuturing na pakikialam.

Sa impormasyong ito, ang “dayuhang estado” (foreign state) ay nangangahulugan na alinmang bansa maliban sa New Zealand. Ang salitang ito ay ginagamit upang tukuyin ang mga bansang nasa labas ng New Zealand.

 

Ang pakikialam ng dayuhan ay nakakapinsala sa mga karapatan at kalayaan ng mga Etnikong Komunidad

Ang pakikialam ng dayuhan ay kapag ang mga dayuhang estado ay nagtatangkang makialam sa New Zealand sa pagkamit ng sarili nitong mga mithiin. Nais ng mga dayuhang estado na ito na kontrolin at baguhin ang lipunan, mga interes, at pag-uugali ng New Zealand. Ginagawa nila ito para magkaroon sila ng higit pang impluwensya at kontrol.

Ang pakikialam ng dayuhan ay sumisira sa kalayaan, demokrasya, ekonomiya, reputasyon at mga komunidad ng New Zealand. Ang mga Etnikong Komunidad sa New Zealand ay maaaring makatanggap ng hindi ginugustong atensyon mula sa mga dayuhang estado, na nagpapadamang sila ay hindi ligtas at sumisira sa kanilang mga karapatan at kalayaan. Ang mga normal na diplomatikong aktibidad ng mga bansa ay hindi pakikialam ng dayuhan.

 

Paano nangyayari ang pakikialam ng dayuhan sa mga Etnikong Komunidad?

Maaaring mahirap makita ang pakikialam ng dayuhan na naranasan ng mga Etnikong Komunidad. Narito ang ilang mga halimbawa ng mga aktibidad na pakikialam ng dayuhan ng isang dayuhang estado o ng isang tao na gumagawa ng pakikialam ng dayuhan para sa kanila sa New Zealand:

  • tinatangkang kontrolin at takutin ang mga komunidad o organisasyon/grupong pangkomunidad
  • tumatangging magproseso o mag-isyu ng mga opisyal na dokumento para manligalig, manakot at kontrolin ang mga komunidad at ang kanilang mga aksyon
  • inaalis o nagbabantang aalisin ang mga visa, pasaporte, o iba pang opisyal na dokumento ng mga tao sa New Zealand para manligalig, manakot at kontrolin ang mga komunidad at ang kanilang mga aksyon
  • binabantaan ang mga tao sa New Zealand, o ang kanilang mga pamilya na nakatira sa ibang bansa (kabilang ang mga pagbabanta at panliligalig sa pamamagitan ng social media)
  • pinipilit ang mga tao na bumalik sa kanilang bansang pinagmulan nang labag sa kanilang kalooban
  • walang awtoridad na pagsubaybay at pag-monitor ng komunidad ng isang dayuhang estado upang bantaan o takutin ang mga tao
  • tinatangkang hadlangan ang partikular na mga grupo o komunidad sa hayagang pagbabahagi ng kanilang mga kuru-kuro o opinyon na kakaiba sa dayuhang estado sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagbabanta o pananakot
  • ·tinatangkang hadlangan ang pagdaos ng mga kaganapan sa New Zealand para pigilan ang mga tao sa pagpapahayag ng kanilang mga opinyon o paniniwala na hindi sinasang-ayunan ng dayuhang estado
  • nagpapasa ng mga banta mula sa dayuhang estado sa komunidad sa New Zealand
  • tinatangkang baguhin kung paano gumagana ang eleksyon at iba pang prosesong demokratiko

 

Ang nilalamang ito ay inangkop mula sa NZSIS’s 2024 report: New Zealand’s Security Threat Environment 

 

Mag-download ng impormasyong ito

Last modified: